1. Bakit sumasamba ang tao...o naghahanap ng sasambahin? Bakit may ngiti? Bakit may konsensya, tampo, halakhak, kahihiyan, awa, pangarap at pag-aalala? Bakit gumugulo ang buhay ng tao pag marami siyang asawa? Bakit ang hayop hindi?
2. Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..
3. Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.
4. Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.
5. Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.
6. Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.
7. Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.
8. Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.
9. Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.
10. Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin..
11. Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.
12. Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.
13. Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.
14. Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.
15.Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.
16. Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
17. Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.
18. Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.
19. Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag Mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!
20. Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.
21. Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko? Mas madaling makita ang wala.
22. Mahirap pumapel sa buhay ng tao lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na pinili nya.
23. Sa mga taong di nagpaparamdam sa kanilang mga ka-ibigan eh mabuting patayin na lang namin kayo para magparamdam kayo.
24. Kahit ikaw ay parang batong manhid at walang pakiramdam, magingat-ingat ka naman dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.
25. Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.
26. Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.
27. Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.
28. Hindi naman iyong taong minahal mo ang mahirap kalimutan noong nawala siya sa'yo eh... kundi iyong taong naging ikaw dahil sa kanya...
29. Kapag pinag-aagawan ka, malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.
30. Bakit ka magtitiis sa taong alam mong sakit lang sa ulo mo? Wag mong ikulong ang sarili mo sa hawlang ginto pero sira ang kandado. Sino bang may sabing hindi madaling makahanap ng kapalit? Kahit ibon marunong maghanap ng bagong pugad. Tao pa kaya?
31. Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo. Ganyan ang senaryo sa bus. Ganyan din ang sa pag-ibig. Lalong di mo kontrolado kung kelan sya bababa.
32. Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.
33. Sana ang pag-ibig ay katulad ng pamasahe sa jeep, na kapag buo ang binigay mo, sinusuklian ka kahit papaano.
Mapuno man ang elevator, sigurado naman babalik din yun. At darating din ang panahon na makakasakay ako. Bakit ko ipipilit ang sarili ko sa hagdan e mas nakakapagod yun kesa maghintay. - JUAN TAMAD (sagot sa quote 10)
No comments:
Post a Comment